Chochal Way of Eating Street Foods
Sunday August 17th 2008, 3:48 pm
Filed under: Food and Drink

source: Tristan Cafe Original Filipino Blog


How toKwek Eat Kwek-kwek

Material: Tutpik

Bago isubo, make sure na may nakatusok na toothpick sa kwek-kwek.
Then tilt your head ng mga 45 degrees. Kung gusto mong lumiyad
ala-Pilita Corrales, mas ok. Hawakan ang toothpick, ibuka ang bunganga
at dahan-dahang isubo ang kwek-kwek. Ipikit ang mga mata para mas
dramatic.

Tip: Isipin na cherry or olive ang isinusubo para
effective. Pwedeng gamitin ang tutpik pangtanggal ng tinga, pwedeng
lagyan ng bulak para gawing cotton buds, or pwedeng ipang-tusok ng mata
ng kaaway. Alalahanin na milyon-milyong puno ang pinutol para gawing
tutpik na ipinangtusok sa kwek-kwek na kinain kaya make the most out of
it.

How to Eat Balut

Material: Teaspoon/Dessert Spoon

Basagin ang dulo ng balut sa pamamagitan ng kutsarita. Inumin ang
sabaw sa paraan na para kang nag-shot ng vodka sa shotglass. Sprinkle
with salt to accentuate the taste, iodized salt para mas chochal.
I-scoop ang laman ng balut sa pamamagitan ng kutsarita at kainin.
Durugin ang sisiw para hindi mo mamukhaan na sisiw ang isusubo mo.

Tip: I-scoop ang laman ng balut sa paraan na para kang kumakain ng ice cream o halo-halo.

How to Eat Mangga and Bagoong

Material: Bread Knife

Gamit ang bread knife, i-spread ang bagoong sa mangga. Dahan-dahang
isubo ang mangga, ngunit siguraduhin na nakatikwas ang mga daliri
habang hawak ito. Ngumiti ng pagkatamis-tamis kahit na kasing-asim ng
pawis ng di naligong boksingero ang manggang kinain mo.

Tip: Isipin na caviar in buttered bread ang mangga at bagoong.

How to Eat Bituka ng Manok

Material: Fork

Tanggalin ang bituka ng manok sa pagkakalagay sa stick. Tusukin ng tinidor ang bituka saka paikutin.

Tip: Kainin ang bituka ng manok na pinaikot sa tinidor sa paraang para kang kumakain ng pasta.

Til next lesson class. Kakain muna si Ms. F ng kwek-kwek.

Always remember:

Be Bold. Be Proud. Be Chochal.